Naghihintay ako ng jeep sa Commonwealth Market medyo madilim, malamig ang simoy ng hangin dahil nagaagaw na ang umaga at gabi ng mapansin ko si Tatay, lagi ko siya nakikita dun pero kanina ko nlng siya ulet npagmasdan at may kasama siyang bata na siguro ay nasa siyam na taong gulang lang, nakaupo ito sa semento habang nakatingin kay tatay, si tatay nmn ay abala sa pag hahalungkat ng mga plastik bag na nasa basurahan na kulay asul, matiyaga niya itong binubuksan isa isa at inihihiwalay ang mga bagay na pwedeng maibenta gaya ng plastic, papel, tansan, sa pag hahalungakat ni tatay ay meron siyang nakita na isang piraso ng sapatos, sinukat niya ito at tiningnan ng mabuti at saka itinabi sa kanyang plastik bag na dala dala, sa isisp isip ko ano nmn ang magagawa ng sapatos na iyon sa kanya, siguro nga kasya sa kanya pero nagiisa lang ito wala din saysay, hindi nagtagal ay nakakuha si tatay ng ilang pirasong balat ng repolyo, matiyaga niya itong kinuha at ipinagpag at inilagay sa hiwilay na plastic bag, marahil ay isasama niya ito sa lutuin nila paguwi niya, hindi nagtagal ay nadako ang aking paningin sa batang kasama niya, nakayuko na ito at inaantok habang pasipat sipat sa mga taong nagdaraan lalo na ang mga taong may dalang pagkain, hindi maalis sa aking isipan ang laging sinasabi ng bestfriend ko na magtapon ka ng mga basurang pwedeng pakinabangan ng mga taong namumulot ng basura, sa kabilang banda dito ko lubusang naintindihan kung bakit, dahil katulad nila tatay at bunso matiyaga sila naghahanap sa basurahan ng makakain at pwedeng pagkakitaan, gusto ko tumulong, gusto ko magabot pero paano? Hangang sa hindi ko na nakayanan ang mga isipin kaya inaalis ko na ang aking tingin at sumakay sa sasakyan sabay nagdasal na
sana
madami sila makuha upang magkaroon ng pagkain ang kanilang hapag kainan.
March 18th, 2008 by subanun
No comments:
Post a Comment