Monday, April 13, 2020

Kaganapan sa buhay ngayong Pandemic.

Marahil lahat naman tayo ay nasa bahay lang at sumusunod sa sinasabing "bawal lumabas. Stay home". So pano ang trabaho? Pano ang mga kompanya sa gitna ng kaguluhan na ito? Ano nga ba ang nagyayari sa mga taong "no work no pay"? Pano ang mga maliliit na kompanya? makaka survive ba sila?

Ilan lamang ito sa mga katanungan na halos lahat tayo ay walang kayang isagaot. Marami akong kaibigan na nagbago bigla ang buhay, meron akong mga kaibigan na maganda ang trabaho at maganda ang kita pero sa isang iglap lang nawala ang lahat dahil sa COVID19 na ito. Nawalan sila ng trabaho dahil nagsarado ang kanilang kompanyang tinatrabahuan.

Meron naman akong mga personal clients na nagsarado o magsasarado na dahil hindi na nila kakayanin lalo kung magtatagal pa ang quarantine.

Ikaw, ano ang nagyayari sayo at sa kompanya niyo?

Kung meron ka katanungan tungkol sa HR, kung pano manage ang mga tao dahil naka WFH sila, pano sila monitor, pano ang policies. Let me know. Message mo ako baka matulungan kita. LIBRE ang consultation. Gusto ko makatulong kasi gusto ko maging maayos ang kompanya niyo para manatili ang trabaho sa ating mga kababayan.

Kung nahihirapan ka at feeling mo na depress ka na kasi wala ka makausap dahil mataas ang expectation sayo, mapa empleyado ka man o business owner, email mo ako. USAP TAYO. Kapit kamay, lalabanan natin ang pandemic na ito.

Nawa'y maging isa itong aral sa ating lahat na mag ipon, mag save, mag tabi tayo ng pera para kapag may nangyari ulit na ganito sa atin (wag naman sana) e handa na tayo! Hindi lang handa kundi handang handa.

Nawa'y maisip natin na minsan hindi sapat na isa lang ang pinagkukuhaan natin ng income, dapat meron tayong investmennt o passive income para kapag may nawalang isa o nawalan tayo ng trabaho dahil sa biglaang sitwasyon, e hindi tayo mahihirapan.

Sa mga kapwa ko HR na walang sawang tumutulong sa mga empleyado para maibigay ang tama at nararapat sa kanila sa gitna ng kaguluhan na ito, saludo ako sainyo! Wag din natin kalimutan magpahinga.

Nawa'y mas manatili ang pagiging positibo natin sa buhay at wag tayo panghinaan ng loob.

Sabi nga nila, "Pandemic ka lang, Pilipino kami!"

Muli, kung may maitutulong ako sayo at sa kompanya, message mo lang ako.

Tuesday, June 17, 2014

Aking komento sa Youth Unemployment ng Pinas

Madaming walang trabaho. Madaming tambay. Madaming mga batang nakatambay at walang magawa sa buhay dahil sa siguro’y 1) walang pang aral, 2) tinatamad, 3) walang makuhang trabaho, 4) walang pang apply at madami pang dahilan na hindi natin alam. Ano ang sagot ng ating pamahalaan? (ang totoo di ko lam kung ano ang mga hakbang na ginagawa nila) ito nabasa ko ‘to kanina http://www.gov.ph/2014/06/17/dole-set-to-launch-jobstart-philippines-in-order-to-address-youth-unemployment/ kaya napasulat ako para magbigay ng aking opinyon at komento.

Bilang ako’y isang HR practitioner masasabi ko na marami talagang trabaho sa Pilipinas, akala lang natin walang trabaho, kung walang trabaho bakit kaming mga HR o recruiter e nahihirapan maghanap ng mga aplikante sa bawat posisyon? Siguro sasabihin niyo dahil baka ang mga hinahanap namin o hinahanap ko’y matatataas na posisyon at nangangailangan ng mataas na profile, oo may mga ganun akong hinahanap pero madami din naman kaming hinahanap na kahit fresh grad lang o hindi graduate ng kolehiyo e makakapasok, pero bakit wala kaming mahanap? Dahil hindi po TUGMA ang mga skills ng ating mga kababayan sa hinahanap ng bawat kompanya. Madami po ang mga posisyon na maari sanang pasukin ng ating mga kababayan pero dahil sa SKILL MISMATCH ito po’y hindi agad napupuno at kadalasan inaabot kami ng madaming araw at gabi bago makahanap ng swak na tao.

Ano ang pwedeng sagot sa SKILL MISMATCH? Hindi ko lam kung magiging tama ‘to sa karamihan pero ang nakikita ko lang na solusyon ay ang makipag usap ang DOLE sa Universities at mga Employer para malaman kung ano ba talaga ang kailangan ng mga employer na skills para mabawasan ang mga course na hindi na dapat o mga course na sobrang dami ng graduates at siguradong matatambay lang pagtapos tumanggap ng diploma.Kailangan malaman ng gobyerno at universities ano ang mga skills at courses na hinahanap ng mga employer at naubos na, kagaya ng sa industriya kung asan ako (retail), sobrang konti nalang ng mga designers at mga pattern maker dahil halos karamihan nasa ibang bansa na, konti nalang ang meron nito at sa pagdating ng ASEAN Integration mas lalo akong mangangamba dahil siguradong ang mga natitira na mga designers ay mapipirata ng mga international brands.

Willing naman siguro makipagusap ang mga employer sa gobyerno at eskwelahan para maging align tayo at maging handa at makatulong tayo sa ating bansa. Hindi sapat na sa iisang sector lang nagmumula ang hakbang. Lahat tayo dapat kumilos at isama niyo po kaming mga HR o private sector sa mga proyektong makakatulong kami kagaya ng unemployment and underemployment sa ating bansa.
Sa ngayon ang ginagawang hakbang ng mga employer ay magtayo ng sariling university dahil nga wala sila/kami makuha na skills galing sa mga graduates, so gagawa nalang kami ng mga sarili naming graduates.

PS: bukod sa skill mismatch, kadalasan din po na problema ng karamihan ay ang pagiging mahina sa sarili, masyadong mababa ang confidence sa sarili kapag haharap sa interview dahil narin siguro sa society na “kadalasan na kinukuha’y galing sa top universities lamang.” Pero dapat po sa school palang dapat maturan na natin ang mga bata na maging matapang at ihanda ang sarili paglabas ng school, at sa mga hindi pa graduate, madami padin trabaho na naghihintay sainyo kailangan lang ng lakas ng loob. Kapag nakita kasi kayo ng mga recruiter kahit ga’no kayo kahusay at kasipag pero kapag mahina ang loob mo kadalasan nagiging dahilan ng hindi pagtanggap sa trabaho.

Thursday, November 21, 2013

Project: Trabaho para sa mga survivors ng Yolanda

Dear HR Friends,

In the aftermath of typhoon Yolanda, we in HR have a major role to play in helping the survivors of the typhoon in terms of connecting them to employment opportunities.

A group of HR practitioners has begun working on an initiative to help these survivors through a project called "TRABAHO PARA SA SURVIVORS NI #YOLANDA". This project is designed to address the long term need of the survivors to find employment and provide for their families. Its aim is to coordinate with companies, LGUs and government agencies in order to provide the survivors with opportunities for employment. As part of this collaboration with different sectors and establishments, we will create a database wherein the survivors can submit their resumes. All companies part of this project will have access to the database which they can use as a source of future employees.

We invite you to be a part of this effort to help rebuild the lives of the survivors of typhoon Yolanda. If you would like to join this project or have any questions, please contact Isha Ordiales - 09158095618 or Senibe Salve Labastida - 09329891332. Do let us know so that we can add you to our Facebook group or register here https://docs.google.com/forms/d/1toCml_-k9Db0syoQ5z2wFS51zxtiu-qAKhvO6cT38bA/viewform .

We hope to hear from you soon and we look forward to working with you!


Thank you! 

PS: Thanks Anj and Isha for the help.

Tuesday, October 8, 2013

Walang masama kung susubukan

Ilang araw nadin nangungulit ang Ate ko na subukan ko ang SWA at wala namang masama kaya ito gagawin ko na para magbago ang ginagalawan ko. Nakakatawa lang kasi last year ko pa 'to nakita at nalaman pero di ako sumali dahil nga akala ko ito ay hindi totoo. (kung nagkataon pala na sumali ako nuon baka mas mayaman pa ako ngayon sa Ate ko). hahahaha!

Habang pinagaaralan ko ang pay system at ang mismong company (SWA) e biglang nagbago ang isip ko sabay sabing "aba okay naman pala!" Isipin mo ba naman:

1) ang hilig ko magbasa ng libro (kaya nga ako may Kindle) kaya nung nalaman ko na may library na pwede mo access ang 2000+ ebooks,hindi ba't sulit na ako sa binayad na 2,500? e ang mahal din kaya ng mga ebooks ngayon. http://unstoppableinternetentrepreneurs.blogspot.com/p/supremewealthlibrary.html

2) Ang hilig ko mag facebook at gumawa ng kung anu ano online e di nga naman gamitin ko na ng may saysay ang oras ko kapag nasa bahay. (again, walang masama kung susubukan).

3) mura lang ang capital at sa librong makukuha mo kung tutuusin kulang ang 2,500 sa mga librong makukuha mo tapos may business ka pang matuturing mong sa'yo.

4) kahit nasang parte ka ng mundo e pwede mo tong gawin (dahil nga hanggat may internet ka e pwede mo 'to gawin).

4) alam ko na legal ito at kikita ka dahil mismong Ate ko e kumita na.

Ano pang hinihintay mo? Subukan mo nadin ang negosyong online!

Lezdothis! Kaya natinn 'to! Panuorin mo ang video sa ibaba at kontakin mo ako kung ikaw ay interasado ding subukan ito.

http://www.youtube.com/watch?v=cnQAE_SrmaE&feature=youtu.be

http://unstoppableinternetentrepreneurs.blogspot.com/p/supremewealthlibrary.html (mga libro na pwedeng makuha)

Kung ikaw ay interested puntahan mo ang link na 'to http://subanun15.swaultimate.com/payoption


Monday, October 7, 2013

Unang hakbang...

Nung nakaraang linggo naramdaman ko na parang kulang ang buhay ko, parang wala ng sense kasi ang dami ko gustong gawin sa buhay at sa ibang tao pero parang nakatali nalang ako sa trabaho kung saan mahigit sa walong oras kada araw ang inuubos ko. dahil diyan bumalik ako sa grupong naging myembro ako ilang taon na ang nakakalipas pero hindi ako nag active. Ngayon susubukan ko at gagawin ko lahat ng aking makakaya para tumulong at maging parte ng mga proyekto para sa kapwa at sa bayan. Hello, DAKILA! kasama niyo na ulit ako. :) Gabayan sana ako ni Ama.

Thursday, January 5, 2012

HR CREDO

HR was never made to be a job.
A career like priesthood or the nunnery, you have to be selfless.
Before yourself, others first.
You must be self-secured, composed, and self-assured.
You must have self-respect, you cannot be bought.

Never fall in envy if others will be higher than you in kind.
Never sob for there will be no word of compliment for you.
You must never fail to teach, to bring forth the best in people.

Eight hours a day of work will never be enough.
Yet you still bear the burden of faults.
Smile even if it pains inside.
Be resilient and strong.
Exude a happy and fresh disposition.
Be the sunshine to all.

Honor any information given to you.
Keep it and know how to handle what others tell you.
You must be trusted.
Keep your doors open so people can see you.
So people can talk to you.

Never show your fears. Freeze them.
There is never a day off in your career.
You must learn to bring your office problems to bed.
Color it if you must, so your dreams will be interesting.

You will say "NO!" - when everyone says "YES!"
- when everyone actually wants to say "NO" but afraid to say so.
You choose a career that must sell and serve.
So die if you must.
In HR, you will never be king or queen, but you can be a "Maker".

Tuesday, December 20, 2011

Mendiola, Noon at Ngayon

Tingin mo may iba pang paraan ng paglaban ngayon? Ang tanong saken ng aking guro sa IR 204 noong nakaraang sabado, ang tanong na ito’y para sa mga taong nasa Mendiola at patuloy na lumalaban sa baluktot na administrasyon. Ang sabi niya saken, “Ganyan din ako noon, dito din ako nag-aral at nagtapos (UPD) sa eskwelahang ito kaya pinagdaanan ko din yan, isa din ako sa mga taong lumalaban at talagang tumutulak sa mga pulis sa tuwing tatangkain nilang buwagin ang aming hanay noon sa Mendiola, pero iba na ngayon kasi meron na akong mga anak at ang tanda ko na para dun. Ngayon ko lang din naiisip na mula noon at hanggang ngayon e ganun padin ang pinaglalaban at halos hindi padin nagbabago ang mukha sa likod at harap ng mga samahang nasa kalsada ngayon. Ikaw, dahil ganyan ang edad mo magkaiba ang ating pananaw sa nangyayari. Tingin mo may iba pa bang paraan ng paglaban?” pagtapos ng litanyang ito’y hindi ako nakapag salita, ako’y nanahimik at aking nasambit “sa January Ma’am may sagot na ako sainyo”.

Hindi ko alam kung ano nga ba ang isasagot ko o meron nga ba akong isasagot, ang totoo gusto ko sumagot ng “Ang noon at ngayo’y magkaiba, ang noon at ngayo’y may magkaibang pananaw, at wala nang ibang solusyon kundi ang ayusin ang ating pamahalaan na binubuo ng mga taong gahaman sa salapi at mga makapangyarihang tao sa ating lipunan.
Bilang isang mamamayan pano nga ba? Ano pa nga ba ang solusyon bukod sa mga nabanggit at magtrabaho ng mabuti’t magsumikap upang hindi masisi ang ating gobyerno sa nangyayari ngayon. Sana maisip ko na ang iba pang paraan ng paglaban bago ulit kami magkita ng aking guro.

Mag-iiba nga ba ang pananaw ko paglipas ng panahon? Ikaw, ano sa tingin mo?