Tuesday, December 20, 2011

Mendiola, Noon at Ngayon

Tingin mo may iba pang paraan ng paglaban ngayon? Ang tanong saken ng aking guro sa IR 204 noong nakaraang sabado, ang tanong na ito’y para sa mga taong nasa Mendiola at patuloy na lumalaban sa baluktot na administrasyon. Ang sabi niya saken, “Ganyan din ako noon, dito din ako nag-aral at nagtapos (UPD) sa eskwelahang ito kaya pinagdaanan ko din yan, isa din ako sa mga taong lumalaban at talagang tumutulak sa mga pulis sa tuwing tatangkain nilang buwagin ang aming hanay noon sa Mendiola, pero iba na ngayon kasi meron na akong mga anak at ang tanda ko na para dun. Ngayon ko lang din naiisip na mula noon at hanggang ngayon e ganun padin ang pinaglalaban at halos hindi padin nagbabago ang mukha sa likod at harap ng mga samahang nasa kalsada ngayon. Ikaw, dahil ganyan ang edad mo magkaiba ang ating pananaw sa nangyayari. Tingin mo may iba pa bang paraan ng paglaban?” pagtapos ng litanyang ito’y hindi ako nakapag salita, ako’y nanahimik at aking nasambit “sa January Ma’am may sagot na ako sainyo”.

Hindi ko alam kung ano nga ba ang isasagot ko o meron nga ba akong isasagot, ang totoo gusto ko sumagot ng “Ang noon at ngayo’y magkaiba, ang noon at ngayo’y may magkaibang pananaw, at wala nang ibang solusyon kundi ang ayusin ang ating pamahalaan na binubuo ng mga taong gahaman sa salapi at mga makapangyarihang tao sa ating lipunan.
Bilang isang mamamayan pano nga ba? Ano pa nga ba ang solusyon bukod sa mga nabanggit at magtrabaho ng mabuti’t magsumikap upang hindi masisi ang ating gobyerno sa nangyayari ngayon. Sana maisip ko na ang iba pang paraan ng paglaban bago ulit kami magkita ng aking guro.

Mag-iiba nga ba ang pananaw ko paglipas ng panahon? Ikaw, ano sa tingin mo?

2 comments:

  1. Literature and Arts.

    If Rizal moved Andres Bonifacio to organize the Katipunan then, we could be the modern-day Rizals. You with your plays, me with my films. There is a growing acceptance in the literary and arts industry nowadays, thus the uproar of independent cinema and satirical plays, as well as revolutionary music. :)

    ReplyDelete
  2. Yeah. :) Magandang idea. naisip ko din yan pero biglang naisip ko din saan tayo kukuha ng BUDGET para ilabas ang mga yan? Pero yeah kaya naten yan. :) Gagawin naten yan, umpisahan na naten ulit magsulat at mag mount ng mga play. :)

    ReplyDelete