
Ilang taon din ang lumipas na di natin namalayan
Pagtatagpo sa isang lugar na may kanya-kanyang pinagmulan.
Nahubog ang talento, naitatag ang pangarap pati paninindigan
Nabuo ang isang pamiya na may sari-saring kadahilanan.
Minsa'y lumaban sa lubak na daan
Hiningi ang pagkakaisa, abilidad at pagtitiis sa kahirapan
Sinuway pati utos at aral ng magulang
Kinalaban pati patakaran ninuman!
Magkagayunman, namutawi sa puso't isipan ang saya na di kailan man matutumbasan!
Sapagkat di masusukat ang bagsik ng karanasang sumukat sa pinagsamahan.
Sa bawat hain na ating pinagsaluhan
Hindi malilimutan ang libreng sabaw, tutong na kanin at ang SARDINAS NA PAMBANSANG ULAM!
Kaysarap pagsaluhan lalo na't kung bawat isa'y gutom, lahat masarap walang pinipili sa t'yan!
Sabay-sabay tayong humalakhak, umiyak, nalungkot, naging pasaway at naging kalbaryo ng pamilya
Na para bang iisa ang ating mga bituka;
Pinagdugtung-dugtong na isaw sa kalsada
Yan ang mga taong pinagsama-sama na mahilig sa drama,sayaw, awit at komedya.
Kaysarap balik-balikan itong mga alaala,
tila mga kamay na kumakaway sa aking mga mata.
Mapa-araw man o gabi, may lecture man o wala
Pagsinabi ni Pres na may meeting lahat dapat makarating!
At pagdating sa inuman kailangan lahat 'present' para kompleto ang 'tent'!
Emperador, Generoso man o matador; mga tatak ng alak na talagang tirador!
At kapag lasap na ang na bangis nito kanya-kayang sentimyento, iyak labasan ng sama ng loob at pati sekreto!
Ah! Dito nga pala ako nagpakatotoo!
Sapagkat natikman ko ang pait tapos ay sarap ng alak na Generoso!
gayunpaman, Bandang huli'y sabay-sabay ngingiti
At ihihimig ang kanya-kanyang hikbi.
Umaga man, tanghali, hapon o gabi
Hindi kompleto ang araw kapag wala ang 'VIDEOKE'
Kanya-kanyang hilig ng kanta nariyan ang makaluma at puros hilig ay bago,
May mala- 'JUKEBOX QUEEN AND KING', POP PRINCESS AT PRINCE. may mala-DIVA at ROCKSTAR ang dating
magkagayunman, Iisang musika ang laging namumutawi sa bibig
buong pusong inaawit at binibigyang diin
FAME! ang sigaw na makatawag ng pansin!
At kapag inilabas na ang bangis na talento
Sinumang maka-saksi, lahat napapahinto
CAN'T TAKE MY EYES OFF YOU, ang laging komento!
Kapag sumapit ang takdang oras ng paghihiwalay
Parang ayaw pang tumuloy, sa TAGUMPAY naghihintayan.
Iisang kamayan ang tinaguriang tatak
Sabay bigkas ng mga katagang "SIEZE THE DAY",sabay halik at yakap
Sa mga araw na nakatakdang lumipas
Sinong makakalimot sa grupong ang mga sapatos ay CONVERSE ang tatak. Mapaluma o bago, local man o branded yan.
Ang mahalaga'y meron ka; "IN " KA SA PAMILYA!
At sino rin ba ang makakalimot sa mga pangalang Richard, Salve, Pearl, Marvie, Vecky, Jen, Kulafu at Kaka?
Na siyang nagbigay buhay at tatag sa teatrong tila babagsak!
Binigyang pundasyon, itinaas at kinilala!
Pinagpatuloy nila Frezy, Edison, Dhel, Ronoel, Jovan, Jhen, Mulawin, Janet at Rollyn sa panahon nila,
At ang kinang ng teatro at nanatiling matatag, sa lahat ay may laya!
Upang makasiguro'y humubog ng TAO
Sapagkat balang araw sila'y aalis at kailangan ng saklolo!
Binago at binigyang-buhay ang bawat kapalaran nila Machelle, Alvin, Jerry, Joan, Bryan, Kris , Michael at Nyan,
Tinaglay lahat ang talentong sa teatro'y sumilay
Ang kabuuang LIKHA NG SINING MULA SA EMOSYON NG PAG-AWIT, SAYAW, ARTE GALAW- ang LISME PASALAW!!!
Dumating araw ng pamamaalam, ang nanatili'y kailangang umalis
At kung sino man ang mamaalam ay dapat na may kapalit.
Kung kaya'y humubog muli ng mga panibagong miyembro
Sa pag-asang ipagpapatuloy ang adhikain nito
Sa "Inyo" mga 'baguhan',nasa inyong mga kamay
Kung ang kinang muli nito'y patuloy na kakaway!
Iiwan kong di-tapos ang bahaging ito
Sino man sa inyo ay may-layang ipagpatuloy
Ang maikling kwentong ito!
Sumulat,
MACHELLEMACAPANAS
A.K.A IBALON
- ito ay isang tulang sinulat ni Machelle, masyado akong natuwa dahil kahit papano meron pang nakaka-alala sa teatrong pinaghirapan at pinagbuhusan namen ng pawis at dugo. Sila ang mga taong sumunod sa yapak namen at talagang mahal ang teatro, sana patuloy pang dumami anng mga taong ngmamahal sa teatro.
salamat poh, at na-appreciate mo ito.
ReplyDeletegumagawa pa ko ng iba pang mga tula. laman niyo'y mga alaala ng ating pagsasama!!!!!!!!! at naway's masundan pa sana.......
-iBALON
- thanks Machelle! kaya mo yan.. madami din akong mga sinulat pero di ko pa npost. wait mo nlng dito sa blogspot ko. mwuah
ReplyDelete