Tuesday, June 17, 2014

Aking komento sa Youth Unemployment ng Pinas

Madaming walang trabaho. Madaming tambay. Madaming mga batang nakatambay at walang magawa sa buhay dahil sa siguro’y 1) walang pang aral, 2) tinatamad, 3) walang makuhang trabaho, 4) walang pang apply at madami pang dahilan na hindi natin alam. Ano ang sagot ng ating pamahalaan? (ang totoo di ko lam kung ano ang mga hakbang na ginagawa nila) ito nabasa ko ‘to kanina http://www.gov.ph/2014/06/17/dole-set-to-launch-jobstart-philippines-in-order-to-address-youth-unemployment/ kaya napasulat ako para magbigay ng aking opinyon at komento.

Bilang ako’y isang HR practitioner masasabi ko na marami talagang trabaho sa Pilipinas, akala lang natin walang trabaho, kung walang trabaho bakit kaming mga HR o recruiter e nahihirapan maghanap ng mga aplikante sa bawat posisyon? Siguro sasabihin niyo dahil baka ang mga hinahanap namin o hinahanap ko’y matatataas na posisyon at nangangailangan ng mataas na profile, oo may mga ganun akong hinahanap pero madami din naman kaming hinahanap na kahit fresh grad lang o hindi graduate ng kolehiyo e makakapasok, pero bakit wala kaming mahanap? Dahil hindi po TUGMA ang mga skills ng ating mga kababayan sa hinahanap ng bawat kompanya. Madami po ang mga posisyon na maari sanang pasukin ng ating mga kababayan pero dahil sa SKILL MISMATCH ito po’y hindi agad napupuno at kadalasan inaabot kami ng madaming araw at gabi bago makahanap ng swak na tao.

Ano ang pwedeng sagot sa SKILL MISMATCH? Hindi ko lam kung magiging tama ‘to sa karamihan pero ang nakikita ko lang na solusyon ay ang makipag usap ang DOLE sa Universities at mga Employer para malaman kung ano ba talaga ang kailangan ng mga employer na skills para mabawasan ang mga course na hindi na dapat o mga course na sobrang dami ng graduates at siguradong matatambay lang pagtapos tumanggap ng diploma.Kailangan malaman ng gobyerno at universities ano ang mga skills at courses na hinahanap ng mga employer at naubos na, kagaya ng sa industriya kung asan ako (retail), sobrang konti nalang ng mga designers at mga pattern maker dahil halos karamihan nasa ibang bansa na, konti nalang ang meron nito at sa pagdating ng ASEAN Integration mas lalo akong mangangamba dahil siguradong ang mga natitira na mga designers ay mapipirata ng mga international brands.

Willing naman siguro makipagusap ang mga employer sa gobyerno at eskwelahan para maging align tayo at maging handa at makatulong tayo sa ating bansa. Hindi sapat na sa iisang sector lang nagmumula ang hakbang. Lahat tayo dapat kumilos at isama niyo po kaming mga HR o private sector sa mga proyektong makakatulong kami kagaya ng unemployment and underemployment sa ating bansa.
Sa ngayon ang ginagawang hakbang ng mga employer ay magtayo ng sariling university dahil nga wala sila/kami makuha na skills galing sa mga graduates, so gagawa nalang kami ng mga sarili naming graduates.

PS: bukod sa skill mismatch, kadalasan din po na problema ng karamihan ay ang pagiging mahina sa sarili, masyadong mababa ang confidence sa sarili kapag haharap sa interview dahil narin siguro sa society na “kadalasan na kinukuha’y galing sa top universities lamang.” Pero dapat po sa school palang dapat maturan na natin ang mga bata na maging matapang at ihanda ang sarili paglabas ng school, at sa mga hindi pa graduate, madami padin trabaho na naghihintay sainyo kailangan lang ng lakas ng loob. Kapag nakita kasi kayo ng mga recruiter kahit ga’no kayo kahusay at kasipag pero kapag mahina ang loob mo kadalasan nagiging dahilan ng hindi pagtanggap sa trabaho.

2 comments:

  1. Nadali mo Ta!

    Wala rin mangyayari kung patuloy pa rin natin isisisi sa gobyerno, wala eh ganyan sila, iba ang prioridad nila eh..

    kaya..

    Ako sinimulan ko sa sarili ko. Kapag meron akong applikante na ok naman pero hindi talaga match sa position nirerefer ko sila sa mga kilala ko.. Sa iba pinagkakakitaan nila to? pero sakin? Ito ay personal kong adbokasiya.. kahit man sa ganun paraan makakatulong ka din sa pagbawas ng bilang ng walang trabaho at sa ganung paraan makakatulong ka din sa bayan.

    ReplyDelete
  2. Tama ka dun, Isha! kailangan magtulungan talaga lahat para makamit ang dapat na makamit.

    ReplyDelete