Monday, April 13, 2020

Kaganapan sa buhay ngayong Pandemic.

Marahil lahat naman tayo ay nasa bahay lang at sumusunod sa sinasabing "bawal lumabas. Stay home". So pano ang trabaho? Pano ang mga kompanya sa gitna ng kaguluhan na ito? Ano nga ba ang nagyayari sa mga taong "no work no pay"? Pano ang mga maliliit na kompanya? makaka survive ba sila?

Ilan lamang ito sa mga katanungan na halos lahat tayo ay walang kayang isagaot. Marami akong kaibigan na nagbago bigla ang buhay, meron akong mga kaibigan na maganda ang trabaho at maganda ang kita pero sa isang iglap lang nawala ang lahat dahil sa COVID19 na ito. Nawalan sila ng trabaho dahil nagsarado ang kanilang kompanyang tinatrabahuan.

Meron naman akong mga personal clients na nagsarado o magsasarado na dahil hindi na nila kakayanin lalo kung magtatagal pa ang quarantine.

Ikaw, ano ang nagyayari sayo at sa kompanya niyo?

Kung meron ka katanungan tungkol sa HR, kung pano manage ang mga tao dahil naka WFH sila, pano sila monitor, pano ang policies. Let me know. Message mo ako baka matulungan kita. LIBRE ang consultation. Gusto ko makatulong kasi gusto ko maging maayos ang kompanya niyo para manatili ang trabaho sa ating mga kababayan.

Kung nahihirapan ka at feeling mo na depress ka na kasi wala ka makausap dahil mataas ang expectation sayo, mapa empleyado ka man o business owner, email mo ako. USAP TAYO. Kapit kamay, lalabanan natin ang pandemic na ito.

Nawa'y maging isa itong aral sa ating lahat na mag ipon, mag save, mag tabi tayo ng pera para kapag may nangyari ulit na ganito sa atin (wag naman sana) e handa na tayo! Hindi lang handa kundi handang handa.

Nawa'y maisip natin na minsan hindi sapat na isa lang ang pinagkukuhaan natin ng income, dapat meron tayong investmennt o passive income para kapag may nawalang isa o nawalan tayo ng trabaho dahil sa biglaang sitwasyon, e hindi tayo mahihirapan.

Sa mga kapwa ko HR na walang sawang tumutulong sa mga empleyado para maibigay ang tama at nararapat sa kanila sa gitna ng kaguluhan na ito, saludo ako sainyo! Wag din natin kalimutan magpahinga.

Nawa'y mas manatili ang pagiging positibo natin sa buhay at wag tayo panghinaan ng loob.

Sabi nga nila, "Pandemic ka lang, Pilipino kami!"

Muli, kung may maitutulong ako sayo at sa kompanya, message mo lang ako.

No comments:

Post a Comment